"Ang Sining ng Pakikidigma" - Gabay ni PepZ para sa Ikariam v.0.3.2
"Ang Sining ng Pakikidigma" Gabay ni PepZ para sa Ikariam v.0.3.2
______________________________________________ Unang Yugto: Digmaan sa Ikariam
______________________________________________
Ang digmaan sa Ikariam ay magaganap lamang kung...
May nanakawan ka o kung may balak magnakaw sa iyo.
Ookupahin mo ang isang bayan o kung may balak umokupa sa iyo.
Haharangan mo ang pantalan ng isang bayan o kung may haharang sa pantalan mo.
Ang bawat digmaan sa Ikariam ay nahahati sa mga "Rounds" kung tinatawag. Bawat round ay mayroong 20 minuto, at matatapos ang digmaan kapag nakamit na ang kahit isa sa mga kondisyon na ito:
Lahat ng tauhan ng isang panig ay namatay na.
Sumuko ang tiga-sugod o ang tiga-depensa.
Ang "Morale" ng isang panig ay bumaba at kusang umatras/sumuko ang kanyang mga tauhan.
______________________________________________ Ikalawang Yugto: Digmaan sa Lupa at Himpapawid
______________________________________________
MGA TAUHAN
Hukbong may Mabibigat na Baluti (Heavy Infantry)
Sila ang pundasyon ng isang hukbo. Sila ang karaniwang nasa unang linya ng depensa, o yung tinatawag nating "Front Line". Kung hindi sila sapat para tugunan ang Front Line, ang mga Hukbong Katihan na may Magagaan na Baluti, at Hukbong may Malalayong Range ang papalit sa pwesto nila.
Hoplites: Ang pinakamalakas na yunit sa buong Ikariam. Higanteng Demakina: Kumukonsumo ng 3 slots sa bawat seksyon. Hindi ito napapagaling ng Doktor.
------ Pinili ng May-akda: Hoplites. Hindi na kailangang pagtalunan itong bagay na ito. Katumbas ng 1 Higanteng Demakina ay 3 Hoplite. Sigurado din na ang 3 Hoplite ay mas malakas sa 1 Higanteng Demakina. Idadagdag din dito ang katotohanan na napapagaling ng Doktor ang Hoplites.
Hukbong Katihan na may Magagaan na Baluti (Light Infantry)
Pinoproktektahan nila ang magkabilang gilid o ang "Flank". Kapag wala o naubos na ang katulad sa kabilang panig, isusunod na nila sa kanilang pag-atake ang mga Hukbong may Malalayong Range at Hukbong may Mabibigat na Baluti at mayroon ding posibilidad na atakihin nito ang mga Tagatibag. Tutugunan nila ang pwesto ng Hukbong may Mabibigat na Baluti kapag naubos na ito sa Front Line.
Tagasibat: Mura at mapapakinabangan. Hindi pa ako tapos sa pag-eeksperimento tungkol dito kaya wala akong masayadong impormasyon. Swordsman: Karaniwang Flankers. Malakas at mapakikinabangan. Ginagamit ito madalas sa kadahilanan na ito na ang nakagawian.
------ Pinili ng May-akda: 50% Tagasibat - 50% Swordsman. Hindi pa ako masyadong desidido sa bagay na ito dahil ang katumbas ng 4 Tagasibat ay 1 Swordsman. At siguradong mas maraming bawas ang kayang tanggapin at kayang ibigay ng 4 sa 1. Kaya, na sa inyo ang pagpili sa bagay na ito.
Hukbong may Malalayong Range (Long Range Units)
Inaatake nito ang mga tauhan na nasa Front Line ng kalaban. Pinapahina nila ito hanggang sa tuluyan ng maubusan ng buhay. Sila ay naka-pwesto sa likuran ng Front Line. Mayroon din silang posibilidad mapunta sa Front Line kapag namatay na lahat ng pumupuna sa Front Line.
Slingers: Hindi sila nauubusan ng bala. Pinakamahina sa lahat at sila ang pinaka-walang-silbing tauhan. Huwag na huwag kang gumawa nito. Archers: Katulad ng Slingers, hindi sila nauubusan ng bala. Mas mataas ang kanilang depensa kaysa sa Sulphur Carabineers kaso mas bahagyang mas mahina ang bawas nila. Sulphur Carabineers: Pinakamalakas sa lahat sa ngalan ng bawas. Ang 7 Sulphur Carabineers ay mas malakas pa sa 30 Archers. Ang kapintasan lang nito ay nauubusan ito ng bala.
------ Pinili ng May-akda: Sulphur Carabineers. Kahit nauubusan ito ng bala, pwede pa itong ma-solusyunan sa pagdadala ng reserba sa kadahilanan pwedeng silang maghati ng bala. At sa kadahilanan na wala pa rin na makakatumbas sa lakas ng bawas nito.
Mandirigmang Panghimpapawid (Fighter Pilot)
Hindi nila pwedeng atakihin ang kahit na anong yunit sa lupa. Ang pwede lamang nilang atakihin ay ang mga katulad nilang lumilipad(Gyrocopter at Balloon-Bombardier). Kaya kapag walang yunit na panghimpapawid sa kabilang panig, hindi sila makakaatake. Pinoprotektahan nito ang mga pag-atake sa himpapawid. Binibigyan din nito ng daan ang iyong mga Tagabomba para makaatake ng walang balakid.
Tagabomba (Bomber)
Katulad ng mga Gyrocopters, sila ay mga yunit na panghimpapawid din. Pwede lamang sila umatake kapag naubos na ang Gyrocopters ng kalaban o bays-bersa. Sila ang may kakayahan na pigilan ang pagkatibag ng pader dahil ang una nilang inaatake ang mga Tagatibag ng kalaban. Kapag naubos na ang Tagatibag ng kalaban, isusunod na nila ang ibang yunit sa lupa. Pero mag-ingat dahil wala silang kakayahan na lumaban sa ibang yunit na panghimpapawid.
Tagatibag (Artillery)
Sila lamang ang may kakayahan na tumibag ng pader. Una nilang aatakihin ang pader ng kalaban at kapag natibag na ito, i-susunod na nila ang mga nasa Front Line. Kapag ang isang seksyon ng pader ay bahagyang sira na, ang bawas ay nahahati sa ibang sekyson. Lagi ring tandaan na nauubusan ng bala ang mga Tagatibag(maliban sa Rams), pero mayroon din silang malapitang atake. Hindi maaaring mapunta sa Front Line ang mga Tagatibag.
Rams: Kapag ika-24 lebel na ang pader, wala ng maidudulot na bawas ito sa pader. Katapults: Kayang nitong bawasan ang kahit anong lebel ng pader kaso humihina ito kada pagtaas ng lebel ng pader. Mortars: Malaki ang bawas nito kaya kahit anong lebel ng pader ay epektibo itong pangtibag.
------ Pinili ng May-akda: Mortars. Walang duda na ito ang pinakamagandang yunit na Tagatibag. Magdala ng hindi bababa ng 18 Mortar sa bawat paglusob para maka-sigurado ang pagkatibag ng pader ng kalaban.
Suporta (Auxiliary)
Sila ay ang nasa pinakalikod na bahagi ng labanan. Hindi sila maaaring atakihin hanggang hindi sila napupunta sa Front Line. Walang hangganan ang pwedeng isama sa hukbo.
Tagaluto: Nagbabalik ng nawalang Morale. Doktor: Nagbabalik ng nawalang buhay(HP). Nauubusan ito ng "Gasa", ang kinakailangan para makagamot. Napapagaling lang nito ang mga yunit na "Tao".
------ Pinili ng May-akda: Tagaluto. Masyadong malaki ang natutulong ng Morale sa bagong bersyon at hindi ito matutumbasan ng konting pagpapagaling.
PADER NG BAYAN
Ito ang nagsisilbing unang linya ng depensa ng bayan kapag inatake ng mga kalaban. Hanggang hindi ito natitibag ng mga Tigatibag ng kalaban, ito ang nagsisilbing mga harang para maprotektahan ang iyong hukbo. Habang protektado ka pa ng iyong pader, ang mga tauhan mo sa likuran(Mandirigmang may Malayong Range, Tagatibag, Mandirigmang Panghimpapawid) ay maaaring umatake sa mga kalaban sa labas. Tandaan din na ang pader ay mayroong sariling pag-atake.
Quoted
Larawan ng ika-1 lebel ng Pader ng Bayan... Kalusugan: Dito nakadepende kung gaano karami ang kayang tanggapin na bawas ng pader. *Dumadagdag ito kada lebel. Baluti: Malalaman mo dito kung gaano katigas ang pader. *Dumadagdag ito kada pangatlong lebel. Mano-mano: Sinasabi dito kung ano ang pwedeng tumibag sa pader. *Mas mataas na lebel, mas marami at mas malakas na Tagatibag ang pwedeng tumibag dito. Damage: Ito ang bawas ng bawat pag-atake ng pader. *Dumadagdag ito kada lebel ng bahagya. Ang malaking pagdagdag dito ay sa ika-10 at ika-20 lebel. Accuracy: Dito dumedepende ang "Damage" dahil ito ang pagkakataon ng pagtama ng atake. *Dumadagdag lamang ito kada ika-10 at ika-20 lebel. Garrison Limit: Ito ang kabuuang bilang ng mga tauhan na pwede mong ilagay sa isang bayan. Maaari din itong Makita sa Town Hall. *Dumadagdag ito kada lebel.
Sa pagdulot ng sapat na bawas sa isa sa mga seksyon ng pader, maaari itong matibag. Kapag ito ay natibag na, pupunan ng mga Palutong na Mabibigat ang mga natibag na seksyon. Kapag ang kabuuan na ng pader ay natibag, ang "Flankers" ay maglalaban na. May mga pangyayari na ang isang panig ay mawawalan ng Flankers, sa ganitong pagkakataon, ang panig na mayroon nito ay maaari ng umatake sa mga tauhan sa likod ng "Front Line" o ang mga Mandirigmang may Malayong Range at pagnaubos na ito, susunod na nila mga Tagatibag.
"So basically, I won't fail twice at the same way..."
O==========================O
||................World: Alpha.................||
||..................IGN: PepZ...................|| ||...Alliance: [SPQR] Roman Gods...||
O==========================O
ANG POOK NG PAGLALABANAN Ang pagpapaliwanag ay makikita sa seksyon na "Mga Tauhan". Kung maaari ay paki-basa ito...
______________________________________________ Ikatlong Yugto: Digmaan sa Karagatan
______________________________________________
Katulad ng Digmaan sa Lupa at Himpapawid, parehas lang ang batas ng Digmaan sa Karagatan. Ang pagkakaiba lamang ay ang kawalan ng pader sa karagatan. Kaya kapag nagkatagpo na ang mga yunit sa karagatan, mag-uumpisa na kaagad ang digmaan. Ang espesyal lamang ay ang Diving Boat na katulad ng Gycopters/Balloon-Bombardiers. Ang pwede lamang nila na atakihin ay ang kapwa nilang Diving Boat. Ngunit, subalit, datapwat, wala silang kakayahang ipanalo ang isang digmaan kung sila lang ang gagamitin.
______________________________________________ Ikaapat na Yugto: Payo para sa Makabagong Bersyon
______________________________________________
INIREREKOMENDANG HUKBO
Hukbong may Mabibigat na Baluti: 3000 Hoplites o 800 Higanteng Demakina Hukbong Katihan na may Magagaan na Baluti: 200-500 Swordsman Hukbong may Malalayong Range: 800 Sulfur Carabineers Tagatibag: 200 Mortars Mandirigmang Panghimpapawid: 200 Gryocopters / Balloon-Bombardiers Suporta: 50 Tigaluto
Quoted
Ang Rams at Katapults ay wala na masyadong silbi, kung maaari, tanggalin na ang mga ito.
Tanggalin lahat ng Slingers at Doktor. Napag-aralan ko na ang mga Tigaluto lamang ang malaki ang pakinabang.
Bawasan ang mga malalaking hukbong pandagat, masyado na silang mahal panatilihin.
Gumawa ng maraming Swordsman/Tagasibat para sa Flank. Kapag mas marami ang Flankers mo sa kalaban, malaki ang posibilidad na ikaw ang mananalo at bays-bersa.
Kailangan mo rin ng Balloon-Bombardiers kaso masyado silang mahal panatilihin. Kaya gumawa nito bago makipaglaban at huwag magtitira ng marami sa iyong hukbo.
TAKTIKANG ALAMBRE
Paano:
Magpadala ng tig-isang Tagasibat sa mga karatig bayan ng mga kaalyansa. Ang magagastos mo dito ay 1g kada oras. Simulan natin sa 20 islang-paikot(Island-Radius) sa iyo. Kung mayroong 50 bayan na mayroon doon, 50 rin na yunit ang malalagay mo. Sa kabuuan, gagastos ka ng 50g kada oras. Masyadong mahal ba?
Bakit:
Kung mayroon ka na 20 Tagasibat ng kaalyansa mo sa iyong bayan, mas malaki ang pagkakataon mo na manalo sa isang laban. Madadagdagan ng malaki ang iyong Morale at aatras ang iyong kalaban sa kadahilanan na mas marami ang watawat na winawagayway sa iyong bayan kaysa sa kanila kaya matatakot sila.
Para makita mo kung may kasalukuyang pag-atake o kung may magtatangkang umatake sa iyong kaalyansa. Sa bagong bersyon, nararapat na tandaan ang dalawang ito:
Magkakaroon ka ng oras para tumulong dahil kinakailangan munang matibag ng mga kalaban ang kanilang pader.
Huwag padalos-dalos magpadala ng tulong. Maging matalino sa pagpapadala ng tauhan. Tignan kung ano ang kakulangan ng tutulungan sa kanyang hukbo. (Halimbawa, kailangan ng Flankers, magpadala ng Swordsman/Tagasibat.)
SIKRETO NG MGA MARINO
Isang "Diving Boat" lamang ang kinakailangan para hindi ka mapasok ng mga dayuhan sa iyong bayan. Ito ay sa kadahilanan na kapwa Diving Boat lamang ang nakakatalo dito. Kaya, mayroon na lang na dalawang opsyon na pagpipilian ang mga dayuhan para lang makapagnakaw sa iyo:
Haranganan niya ang iyong pantalan dahil hindi kaya ng Diving Boat mo na depensahan ang iyong pantalan sa ibang mga barkong pandigma.
Mag-ookupa siya ng karatig mo na bayan para hindi na nila kailangang problemahin ang mga barko mo sa pantalan.
Alin man ang piliin niya sa dalawang opsyon niya ay magbibigay daan sa iyo na makapaghanda sa kanya at malaki ang posibidad na matalo mo siya.
ANG SUSI SA PAGKAPANALO
Ang "Morale" ang isa sa mga bagong fityur ng bagong bersyon ng Ikariam. Sa lumang bersyon, ang tawag dito ay Stamina. Dito nagdedepende kung mananalo o matatalo ang isang laban. Mas mataas ang Morale, mas mataas ang pagkakataon na manalo ang isang manlalaro. Kaya kung sa tingin niyo na pwedeng tumagal ang laban dito sa bagong bersyon ng araw o linggo, nagkakamali kayo! Ang Morale ay nakadepende sa mga bagay na ito:
Mas marami ang watawat na winawagayway ng isang manlalaro. Ang ibig sabihin nito ay mas maraming manlalaro ang naka tigil doon na tiga-depensa sa tiga-opensa at bays-bersa.
Nakikita ng mga tauhan mo na wala silang lakas para tibagin ang pader ng kalaban. Kahit sobrang dami ng tauhan mo, kung wala kang pambasag ng pader na dinala, mag-aatrasan at magsisikalatang iyong mga tauhan ng kusa.
Mas marami ang nawala sa isang manlalaro na mga tauhan kaysa sa kalaban. Kung mas marami na ang namatay sa panig mo(bays-bersa), manghihina ang Morale mga tauhan mo at aatras sila ng kusa.
Tandaan din natin na nakapagtataas ng Morale ang mga Tagaluto sa mga Digmaan sa Lupa at Himpapawid. Sa Digmaan sa Karagatan naman, ang nakapagtataas ng Morale nito ay ang "Barkong Pangkalakal". Tama ang basa ninyo, Barkong Pangkalakal. Sila mga ang tiga-suporta sa mga barkong pandigma. Napakahalaga nila sa isang digmaan, kaya kung sasabak kayo sa isang digmaan, siguraduhin na mayroon ka ng mga ito sa iyong panig.
GABAY SA PAGTIBAG NG PADER
Quoted
Pader ng Bayan ika-24 lebel:18 Mortars and 6 Katapults 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-23 lebel: 18 Mortars and 6 Rams 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-22 lebel: 18 Mortars 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-21 lebel: 12 Mortars and 6 Katapults 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-20 lebel: 12 Mortars and 6 Katapults 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-19 lebel: ? Pader ng Bayan ika-18 lebel: ? Pader ng Bayan ika-17 lebel: ? Pader ng Bayan ika-16 lebel: 12 Mortars and 6 Katapults 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-15 lebel: ? Pader ng Bayan ika-14 lebel: ? Pader ng Bayan ika-13 lebel: ? Pader ng Bayan ika-12 lebel: 18 Katapults 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-11 lebel: 18 Katapults 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-10 lebel: 12 Katapults 6 Rams 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-9 lebel: 12 Katapults 6? Rams 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-8 lebel: 12(6?) Katapults 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-7 lebel: ? Pader ng Bayan ika-6 lebel: ? Pader ng Bayan ika-5 lebel: 12 Katapults 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-4 lebel: 6 Katapults 6 Rams 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-3 lebel: 6 Katapults 6 Rams 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-2 lebel: 6 Katapults 6 Rams 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-1 lebel: 6 Katapults 2 Hoplites Pader ng Bayan ika-0 lebel: 2 Hoplites
______________________________________________ Ikalimang Yugto: Konklusyon at Huling Habilin
______________________________________________
Sa wakas ay natapos na rin ang aking gabay para sa bagong bersyon ng Ikariam. Naway makatulog ito sa mga bago pa lang at sa beterano na sa larong ito. Alam nating napakaraming nagbago sa Ikariam pero ito ay nananatili pa rin itong libre at kapanapanabik laruin. Magiging masaya pa rin ang paglalaro ng Ikariam kung magtutulungan tayo at magkakaisa sa mga pagbabagong naganap at magaganap pa.
Humihingi poh ako ng patawad kung medyo nahuli ang pagpaskil ko ng gabay na ito. Makikita ninyo din na hindi kumpleto ang ibang impormasyon na nakalagay dito. Masyado lang talaga akong naging abala sa aking totoong buhay. Sana poh maintindihan ninyo ang mga pangyayaring ito.
Salamat poh ng marami sa mga nagbasa, magbabasa, at sa lahat.
Naway huwag tayong magsawang suportahan ang #1 Larong Pang Browser sa buong Mundo!
- PepZ
"So basically, I won't fail twice at the same way..."
O==========================O
||................World: Alpha.................||
||..................IGN: PepZ...................|| ||...Alliance: [SPQR] Roman Gods...||
O==========================O