Isang taon na ang Ikariam.PH! Ang kasalukuyang dami ng mga manlalaro at tagasuporta ay patunay kung gaano na kalaki ang naging paglago ng larong ito magmula nang ito'y magbukas. Makibahagi sa aming natatanging misyon!
Disenyo para sa Poster at T-shirt ng Ikariam
1. Ang patimpalak na ito ay bukas sa lahat ng manlalaro ng Ikariam.ph.
2. Isang entry lamang ang maaaring isali ng bawat manlalaro, higit man sa isang mundo ang kanyang nilalaruan o hindi.
3. Magaganap ito mula sa ika-2 ng Nobyembre 2009 hanggang sa ika-31 ng Enero, 2010.
4. Lahat ng mga entry ay dapat ipadala sa
balg@ikariam.ph AT
cali@ikariam.ph nang hindi lalagpas sa ika-31 ng Enero, 2010 11:59PM oras dito sa Pilipinas.
5. Magsisimula ang pagboto mula sa ika-5 hanggang sa ika-20 ng Pebrero, 2010. Ang mga mananalo ay ihahayag sa pareho ding buwan.
6. Ang mga entry ay dapat nasa PNG (HINDI JPEG) graphic format (990px × 255px at size na hindi tataas sa 400kb). Kailangan ding ilakip ang in-game sa specific world at board usernames ng mga kalahok sa ipadadala nilang email. Kailangan ding ilakip ang mailing address. Gamitin lamang ang email na pinangrehistro ninyo dito sa ikariam.
7. Ang pangunahing layunin ng proyektong ito ay mapalaganap at makilala ang Ikariam. Dapat nakasunod dito ang tema ng gagawing poster.
8. Tanging Ingles o Filipino lamang ang pinapahintulutang wika na maaaring ilagay sa banner. Kinakailangan ding kasali ang logo ng Ikariam, kasama na ang mga link sa laro at talakayan (
www.ikariam.ph at board.ikariam.ph) sa inyong mga disenyo.
9. Ang mga entries ay ilalabas pagkatapos ng deadline upang makita at makapili din ang ibang mga users. Ang mga user na may postcount na lalagpas sa 100 lamang ang maaaring makaboto (para maiwasan ang pandaraya). Kung mayroon mang mga ilegal na kaganapan (kagaya ng pagboto nang lagpas sa isang beses), ang kanilang boto ay mapapawalang bisa kasabay ng pagkaban nila ng 1 taon
10. Ang mga entries na makakatanggap ng at least 50 na boto ay ipapasa upang masuri itong mabuti ng ating mga hukom (ihahayag sila kapagdaka). Ibabase nila ang gagawing desisyon sa mga sumusunod:
25% - Relevance to theme
25% - Creativity and presentation
25% - Originality
25% - Overall impact
11. Ang mga mananalo ay pagkakalooban ng:
Unang Gantimpala – 1 coupon na nagkakahalaga ng 120 ambrosia
Ikalawang Gantimpala - 2 coupon na nagkakahalaga ng 30 ambrosia bawat isa (60 ambrosia sa kabuuan)
Ikatlong Gantimpala - 1 coupon na nagkakahalaga ng 30 ambrosia
Ipalaganap ang Ikariam sa atin!
Ikariam.ph Team
pag-usapan ito dito