Interesado ka bang magtrabaho sa Ikariam.ph?
Naisip mo bang maging isang Game Operator o isang Board Moderator? At maglaan ng kaunting oras para dito?
Kung oo, at sa tingin mo ikaw ay nararapat, at kaya mong ibigay ang mga hinihiling sa ibaba, wag na mag atubiling mag apply.
Ano ang gawain ng isang Game Operator? (sarado)
Ang mga GO's ay mga tagapangalaga at mga tagahatol sa mga server na kung saan sila na i takda.
Sila ay responsable sa pagpapatupad ng mga Batas ng Laro, mag ban ng mga manlalaro, at tumulong sa kanila sa mga problema sa laro.
Ano ang gawain ng isang Board Moderator? (bukas!)
Ang mga MODs ay tagapamahala sa mga section kung saan sila na i takda.
Sila ay responsable sa pagpapatupad ng Batas ng Boards, mamigay ng mga babala, at tumulong sa mga mungkahi. Sila rin ay maaaring mag sara o bumago ng mga thread.
Mga Kailangan
- Dapat ikaw ay nasa tamang gulang na 18 pataas, para sa mga legal na isyu.
- May sapat na oras na ilalaan sa posisyon araw araw. (2h/araw ay pwede na).
- Marunong tumanggap ng mga magagandang reaksyo at pamumuna galing sa iba, habang ginagawa ng maayos ang mga nakatakdang trabaho.
- Matulungin at malapit sa mga tao.
- Sapat na karanasan at pagkaka intindi sa mga batas ng laro at boards.
- May konting oras na ilalaan sa IRC.
- Masayang nakakatrabaho sa koponan.
- You must have Passport, Driver's License, SSS ID, or a Postal ID as a signature file.
Ano ang kailangan sa pag apply?
(Di kumulang ng 500 na salita)
- Mga personal na detalye(edad,lugar,kasarian,etc).
- Mga wika na kaya mong isalita/isulat?
- Ang iyong pangalan sa Board.
- Mga Ikariam server na nilalaro mo ngayon at nilaruan noong una.
- Na ban ka na ba dati sa board o sa laro? Kung oo, sa anong dahilan?
- Paraan mo upang magampanan ang mga nakatakdang trabaho para sa iyo.
- Kaunting karanasan sa trabaho o sa pag aaral.
- Bakit kailangan ka naming tanggapin?
- Ano ang tumutulak sa iyo sa pag apply.
- Karanasan sa Ikariam at Ikariam.org at sa iba pang mga kumunidad.
- Karanasan sa iba pang laro at kumunidad.
Note: Hindi tatanggapin ang mga application na di aabot sa 500 na salita o may mga pagkukulang sa mga hinihiling sa taas.
(Isulat ito sa Wikang Ingles/Filipino)
Ipadala ito sa cali@ikariam.ph
KUNG MAARI, PAKI GAMIT LAMANG NG EMAIL NA GMAIL AT WAG YAHOO. 
MAAARI KAYONG MAG REHISTRO SA WWW.GMAIL.COM
This post has been edited 3 times, last edit by "Mr. Lonely" (May 5th 2010, 11:44am)