Feature – Mas madaling pag-imbita sa mga kaibigan. May bagong menu item sa ‘Mga Opsyon’ na ‘Imbitahin ang Kaibigan’. Makikita mo doon ang link na maari mong maipadadala sa iyong mga kaibigan. Kung sila ay nagrehistro sa Ikariam sa pamamagitan ng link na ito, ang kanilang unang bayan ay ilalagay malapit sa iyong kapital.
Feature – Ang mga manlalaro na nagpagana sa kanilang holiday mode, na naging inactive o di kaya’y na-ban ay hindi na isasama sa pagkalkula ng pananalig.
Feature - Mga pagbabago sa Kuta ng mga Tulisan. Ang kanilang kuta ay pinalaki mula sa 10 hanggang 15 lebel. Subalit, ang mga manlalaro na nakatapos na ng huling bersyon ay hindi makakakita sa mga bagong lebel, kasabay din naman ng pagbaba ng mga yaman. Sa karagdagan, ang mga gantimpala ay binago kung saan ang kuta ng mga tulisan ay makakagawa ng marmol bago ang kristal na salamin. Ang mga Tulisan ay palagi ng magkakaroon ng sapat na tiwala sa kanilang kakayahan.
Feature – Maliit na pagbabagong ginawa sa kabuuang tanaw ng manggagawa.
Feature - Mga pagbabagong ginawa sa morale habang may labanan: Ang mga hukbo ay wala ng sariling morale dahil ito ay nakabatay na sa manlalaro. Ang detalyadong ulat ng labanan ay binago na may pagsaalang-alang sa nasabing pagbabago. Sa karagdagan, ang morale ng bawat round ay makikita na bilang graph at pormang nakasulat. (ang mga detalye ay makikita sa pag-mouseover ng graphics.)
Feature – Ang mga pangyayari sa mga barko habang paparating sa bayan ay binago: Dati, ang mga barko ng kalaban ay nakakapasok kahit na sino ang nakaharang, pero ngayon kailangan na nilang maging magkaalyansa para magawa iyon. Ang mga pagnanakaw at okupasyon na nagmula sa iisang isla ay hindi apektado, dahil hindi nila kailangang maglakbay sa pamamagitan ng pantalan.
Feature - Ang mga nagtatanggol ay hindi na maaring tumakas sa labanan sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang mga sundalo sa kung saang misyon. Sa halip, maari silang tumakas katulad ng umaatake, i.e. kailangan nilang matapos ang round ng laban. Ang umookupang hukbo ay hindi na makikita sa hukbo ng bayan, ngunit sila ay makikita sa tagapayong military bilang isang kasalukuyang misyon ‘Ang hukbo ay nagtatanggol sa bayan’ o di kaya’y ‘ Ang hukbo ay nagtatanggol as pantalan’
Feature – Ang mga himpilan at pagawaan ng barko ay binago. Ang mga yunit ay hindi na nagagawa ng paisa-isa ngunit sila ay nagagamit lamang kung tapos ng gawin lahat. Hanggang 3 gawain ang maaring iatas sa bawat paggawa.
Feature - Listahan ng paggawa ng ispiya: Maari ng gumawa ng maraming ispiya sa bawat paggawa. Ang mga ispiya ay hindi na nagagawa ng paisa-isa, ngunit sila ay nagagamit lamang kung ang kabuuang paggawa ay natapos na. Hanggang 3 gawain ang maaring iatas sa bawat paggawa.
Feature – Ang laki ng eksperimento ay nilimitahan na. Dati ang presyo ng kristal na salamin ay palaging nakakapagtaas, ngunit ngayon ang pinakamataas na dami ay 300,000 na salamin, katumbas ng 150,000 puntos ng pananaliksik.
Feature – Ang pagnanakaw sa bayang walang hukbo ay pinadali. Kung ang isang manlalaro ay walang hukbo, ang labanan ay matatapos kaagad kapag may sira na ang pader (kung merong pader).
Feature – ang pinakamadaming bilang ng kamalig ay hindi mapapalitan kung ihahambing sa nakaraang bersyon 3.2(version3.2.). ang apat na pinakamalaking bilang ng kamalig sa iyong bayan ay may kakayahang protektahan ang (6%) anim na porsyento ng kabuoang laman o kapasidad nito
Feature – Karagdagang Puntos: May mga bagong elemento sa puntos. Doon sa ‘Puntos ng Donasyon’, ang mga donasyon sa pagpapataas ng mina at milagro ay kinukumpara. Habang ang mga donasyon ng lahat ng manlalaro ay naka-save, maari kang magsimula ng eksaktong bilang dito. Sa ‘Puntos ng Pagkonsumo’ ang lahat ng ginamit na yaman ay kasali sa pagbilang ng puntos, sa paggawa ng gusali o hukbo man. Ang pagkawala ng hukbo ay hindi dahilan upang mabawasan ang puntos. Ang panimulang puntos sa kasalukuyang mga manlalaro ay kukunin sa ‘puntos ng master na tagagawa’ kasama ng ‘puntos ng donasyon’.
Feature – Ang gastos sa hukbo ay binago. Ang gastusin ay ibabawas kada oras, sa halip na kada 20 minuto. Subalit, ang gastusin ay kakalkulahin na batay sa tagal ng paggamit. Halimbawa, kung ang hukbo ay maglalakbay ng 30 minuto, ang dobleng gastos ay ibabawas sa loob ng 30 minuto.
Auld Lang Syne