Ang mga sumusunod ay gamit sa lahat ng Mundo (Servers) na nakalista sa
www.ikariam.ph.
Kung ikaw ay naguguluhan sa kahit na anong bahagi ng mga patakaran, o kaya`y na-ban, mangyari po lamang na kontakin ang iyong Game Operator, sa pamamagitan ng IRC o sa aming ticketing system dito sa
http://support.ikariam.ph
Tandaan na ang mga reklamo at katanungan tungkol sa mga accounts ay ipagbibigay-alam lamang sa mga may-ari nito.
I. Multi-Accounting
- Isang account lamang ang maaaring gamitin ng bawat manlalaro sa isang Mundo (Server).
Kung dalawa o higit pa sa dalawa ang karaniwan o palaging naglalaro galing sa iisang network, kailangan mong pagsabihan ang isang Game Operator. Sa ganitong sitwasyon, ang mga account ay hindi pahihintulutang magkaroon ng kahit na anong uri ng contact sa kanilang mga tropa habang naglalaro sa parehong koneksiyon.
Ang fleet contact ay ang, ngunit hindi limitado sa, mga sumusunod: - pagpapasa/pakikipagpalitan ng mga resources sa may kaparehas na IP
- pagbili sa poste ng kalakal ng kaparehas na IP
- pagatake ng sabay-sabay kasama ang mga manlalarong may kaparehas na IP
- pagdedepensa sa pantalan/bayan ng kaparehas na IP
- paglilipat ng hukbo (Garrison rights) sa may kaparehas na IP
- pag-ookupa sa town na may kaparehas na IP
- pag-atake sa kaparehas na IP
II. Ang paggamit ng mga account
- Ang bawat account ay dapat paglaruan ng isang manlalaro lamang, maliban sa sistema ng pagbabantay ng account (account sitting).
Ang pagbabantay ng account(account sitting) ay maaari kapag:
Ang pagbabantay ng account ay nagbibigay sa isang manglalaro ng karapatang magbantay sa account ng iba basta`t sumasailalim sa batas na ito: - Kailangang malaman ng isang GameOperator bago mangyari ang pagbantay ng ibang account, halimbawa sa pamamagitan ng IRC o sa pagbukas ng ticket.
- Walang paggalaw ang dapat mangyari sa mga hukbo habang binabantayan ang isang account, maliban na lang kung may pag-atake na napipintong mangyari sa naturang account. Sa ganitong sitwasyon, maari mong iligtas ang mga hukbo sa pamamagitan ng paglilipat ng mga ito sa alinmang lunsod ng nasabing account.
- Ang account ay maaari lamang bantayan ng hindi hihigit sa 12 walang patid na oras (Kung kailangan pahabain ang panahon, ang pahintulot ng GameOperators ay kinakailangan).
- Ang panahon sa pagbabantay ng isang account ay agad na matatapos kung ang tunay na may-ari ang mag login.
- Walang account ang pahihintulutang bantayan sa unang 3 linggo ng isang bagong Mundo (server).
Ang nagbabantay, habang hindi pa natatapos ang panahon ng kanyang pagbantay, ay maaring: - Gumugol ng kayamanan upang gumawa ng mga gusali o mga pananaliksik.
- Magligtas ng kahit anong hukbo na nalalapit sa panganib ng isang atake, tanging paraan ay ang pag deploy o pagpahintulot ng isang transport mission sa isa sa mga lunsod sa account na iyon.
- Ilagay ang account sa mode ng bakasyon.
Ang nagbabantay ay hindi maaaring: - Maglipat ng mga resources sa pagitan ng mga bayan ng naturang account o maski na sa bayan ng ibang mga manlalaro.
- Gumamit ng resources sa paggawa ng mga istrakturang pangdepensa o sa pagsasanay ng iyong mga hukbo.
- Ang isang manglalaro ay pwedeng magbantay ng account kapag ang huling pagbabantay niya ay nangyari pitong araw na ang nakalipas.
- Pagbantay sa isang account na nabantayan na sa nakalipas na pitong araw.
- Tanggalin ang account mula sa mode ng bakasyon.
- Palitan/burahin ang kahit na anong katingian ng nasabing account
III. Palitan ng mga account
- Ang pagpapalitan ng mga account sa isang mundo ay dapat mangyari sa pamamagitan ng tulong ng GameOperator.
Walang reklamo ang pwedeng magawan ng paraan sa mga okasyon kung saan hindi pinalitan ng manglalaro ang kanyang e-mail address matapos ang inter world exchanges o mga libreng pamimigay ng account. Tandaan na yun lamang mga reklamo na galing sa mga account na may permanent e-mail address ang bigyan naming pansin.
Kapag ang isang account ay napalitan na ng may-ari, kailangan munang lumipas ang 28 araw bago ito maaaring ipamigay muli. Matapos makuha ng bagong may-ari ang isang account ay kailangan niyang palitan kaagad ang e-mail address sa loob ng 12 oras matapos magpalitan ng pagaari.
IV. Bashing (ang pag-atake nang higit pa sa itinakda)
- Hindi mo maaaring atakihin ang isang bayan na pagmamay-ari ng isang manlalaro na higit pa sa ANIM na beses sa loob ng 24 na oras.
Maaari ka lamang "makapag-bash" kung ang iyong alyansa ay nakikipagdigma laban sa isa pang alyansa. Ang gerang ito ay dapat munang i-anunsiyo sa opisyal na Talakayan ng Ikariam.ph, sa tamang seksiyon, habang sumusunod sa mga batas doon.
Tandaan: Ang mga natalong pag-atake ay hindi itinuturing na "bashing".
V. Pushing
- Bawal makinabang ang isang account nang hindi makatarungan sa isa pang account na may mas mababang ranko.
Kasali dito ang mga sumusunod: - Mga resources na galing sa isang account na may mababang ranko papunta sa isang may mas mataas na ranko nang walang kapalit.
- Mga "utang" na hindi nasauli sa loob ng apatnapu`t walong (48) oras.
- Mga kalakalan kung saan hindi nasauli ng isang manlalarong may mataas na ranko ang mga resources sa loob ng 48 na oras.
- Mga kalakalan na mayroong panlalamang ng isang manlalarong may mataas na ranggo sa pamamagitan ng paggamit ng mga presyo na sobrang layo sa mga naitakda sa kanilang mundo.
Mga palatandaan: - Ang pagbabayad ng mga resources dahil sa pangingikil ng mga manlalarong may mataaas na ranggo ay ipinagbabawal.
- Kung sakaling makatanggap ka ng hindi inaasahang mga resources galing sa isang manlalarong may mas mababang ranggo, hindi mo ito maaaring angkinin. Agad mong kontakin ang iyong Game Operator at isauli ang mga resources na natanggap pabalik sa bayan ng manlalarong nagbigay sa iyo nito.
- Pag natapos na ang iyong ban dahil sa pushing, KINAKAILANGANG ibalik ang mga resources sa manlalarong nagbigay sa iyo nito.
Mga Bounties:
Ang mga bounties ay kailangan munang malaman ng Game Operator bago ito mangyari. Ito ay pwede lamang bayaran kung tapos nang maisagawa ang mga kundisyong ibinigay.
VI. Paggamit ng mga bugs
- Ang paggamit ng ano mang bug para makalamang o ang hindi pagsusumbong sa mga taong gumagamit nito ay lubos na ipinagbabawal.
VII. Paggamit ng mga scripts
- Ang paggamit ng kahit na anong programa bilang interface sa pagitan ng isang manglalaro at ng kanyang laro ay ipinagbabawal. Ang ano mang klaseng impormasyon na automatic na nakukuha ng isang grupo ng mga manlalaro upang makalamang sa iba ay lubos ding ipinagbabawal.
Kasali dito ang, ngunit hindi limitado sa, mga sumusunod: - Bots
- Macros
- Automated island databases.
Paalala: Ang tanging eksepsyon lamang dito ay ang mga programang aprubado ng GameForge.
VIII. Paggamit ng proxies
- Ang mga manlalarong gumagamit ng kanilang cellphone ay kailangang humingi muna ng pahintulot sa Game Operator bago sila makapaglaro.
IX. Ang pang-aabuso sa mga itinakdang batas
- Ipinagbabawal ang kahit na anong pamamaraan o pagtatangkang makalamang sa nagawang desisyon ng isang miyembro ng staff.
Kasali dito ang, ngunit hindi limitado sa, mga sumusunod: - Mga mensaheng hindi Tagalog/English na ipinadadala upang makamit ang mode ng bakasyon.
- Ang pagsusumbong ng mga mensahe na wala namang ginawang paglabag sa mga batas.
- Ang panggagaya o pamemeke bilang isang staff kahit na walang intensiyong makalamang.
X. Pagbabanta sa totoong buhay
- Ang paglalahad ng intensyon para makagawa ng masama sa iba (halimbawa sa isang manglalaro, team member o di kaya`y sa isang representative ng GameForge) sa loob ng laro, forum, at sa opisyal na IRC-Channel ay lubos na ipinagbabawal.
XI. Spam
- Bawal ang kahit na anong aksyon na maaaring makahadlang sa paningin ng ibang manlalaro.
Kasali dito ang mga sumusunod: - Spam sa pamamagitan ng mga mensahe habang naglalaro
- Pagaadvertise ng ibang laro o mga mayroong ilegal na nilalaman
XII. Mga Nilalaman
- Ang kahit anong bagay na nakakapagbigay ng sama ng loob or nakakapagsakit sa ibang manglalaro ay higit na ipinagbabawal. Ang mga pamantayan ng laro na ito ay isinisiguro ng game meet upang makamit ang isang moral na pagtingin sa lahat ng taong maglalaro dito. Ang laman ay pwedeng i-censor o parurusahan sa permanente o pangkasalukuyang panahon. Ang huling desisyon ukol sa mga bagay na ganito ay tanging galing sa game team lamang.
XIII. Wika
- Ang publisher ng larong ito ay may karapatan na magdesisyon kung hindi pasalihin ang mga manglalarong galing sa ibang bansa, o ang mga taong hindi nakakapagsalita ng wikang ginagamit ng mga manglalaro. Kasali dito ang, ngunit hindi limitado sa, mga sumusunod: Laro, Talakayan, at ang ibang opisyal na IRC chat rooms
Mga karagdagang paalala tungkol sa mga sumusunod: - Mga personal na mensahe sa loob ng laro, mga pahina ng alyansa sa loob ng laro, mga aplikasyon ng alyansa sa loob ng laro at mga circular na mensahe sa loob ng laro.
- Tandaan na ang isang membro ng game support team ay maaari kang i-ban pangsamantala or permanente. Kasali dito ang mga account na hindi sumunod sa mga batas ng laro.
- Dapat ding alalahanin na ang iyong kilos at pag-uugali sa lahat ng aming mga serbisyo ay maaring mahantong sa iyong pangsamantala o permanenteng pagkakaban sa buong komunidad at ang kanyang mga serbisyo.
- Higit na bigyan importansiya ang mga termino at kundisyon, mangyari lamang na basahin din ito.